Danger-level heat index mararanasan sa 15 lugar sa Pilipinas

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na aabot sa danger-level heat index ang 15 lugar sa bansa ngayong Martes, May 5.

Ang heat index na nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C ay itinuturing na mapanganib at maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at posibleng heat stroke.

Inaasahang makakaranas ng pinakamataas na init na 44°C ang Dagupan City at Mambusao.

Kabilang pa sa mga lugar na makararanas ng matinding init (42°C–43°C) ang Laoag City, Bacnotan, Tuguegarao City, Iba, Aborlan, Virac, Iloilo City, Dumangas, Baybay, Borongan, Surigao City, Hinatuan, at Butuan City.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat, iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw, at uminom ng maraming tubig upang makaiwas sa mga sakit na dulot ng matinding init. | via Allan Ortega, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *