
Sa isang matagumpay na buy-bust operation noong Marso 11, nahuli si Ricky Boy S. Ea, 28, isang kilalang drug personality sa San Esteban, Ilocos Sur. Ayon sa PDEA, nakuha sa kanya ang dalawang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13,600, kasama ang iba pang drug paraphernalia. Kasong paglabag sa RA 9165 ang isasampa laban sa kanya, at kasalukuyan siyang nakakulong sa San Esteban Police Station. | via Lorencris Siarez | Photo via Sur