Idineklara ng Malacañang sa pamamagitan ng Proclamation No. 1238 ang May 6 hanggang 8, 2026 bilang special (non-working) days sa Lapu-Lapu City at Cordova sa lalawigan ng Cebu.
Ito ay sa gitna ng pagdaraos ng 48th ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong sa Cebu.
Ayon sa proklamasyon, layunin ng deklarasyon na maibsan ang trapiko at masiguro ang kaligtasan ng mga dadalo at host communities sa nasabing international event.
Nilagdaan ang proklamasyon kahapon, May 4, 2026 sa Maynila sa pamamagitan ni acting Executive Secretary Ralph Recto.
