Escudero pinuri ang peaceful execution ng ICC warrant laban kay Duterte

Pinuri ni Senate President Francis Escudero ang maayos at payapang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Escudero, ipinakita nito ang “maturity, civility, at professionalism” ng mga otoridad at sumusuporta sa proseso ng batas.
Si Duterte ay dinala sa Netherlands nitong Martes ng gabi upang harapin ang mga kaso kaugnay ng umano’y paglabag sa karapatang pantao.
Umapela si Escudero sa publiko na panatilihin ang respeto at iwasan ang pagpapalaganap ng hidwaan. Binalaan din niya ang mga kandidato sa nalalapit na halalan laban sa paggamit ng isyu para sa personal or political gain.
“Isang seryosong usapin ito, hindi dapat gawing laro ng mga pulitiko,” aniya.
Habang umuusad ang kaso, nanawagan siya ng pagkakaisa at patas na pag-usig para sa hustisya nang walang lalong pagkakawatak-watak. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *