Hindi kinidnap si dating Pangulong Duterte!—Palasyo

Mariing itinanggi ng Malacañang na “state kidnapping” ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, legal ang pag-aresto base sa utos ng International Criminal Court (ICC) at ipinatupad ng Interpol.
“May warrant of arrest, kaya hindi ito kidnapping,” giit ni Castro bilang sagot sa akusasyon ni VP Sara Duterte.
Nahuli si Duterte sa NAIA Terminal 3 at agad lumipad patungong The Hague, Netherlands, upang harapin ang kasong crimes against humanity. Giit ng Palasyo, legal at may kompletong dokumento ang proseso ng kanyang extradition. | via Allan Ortega | Photo via pna.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *