Kinuwestyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang mga ebidensyang inilatag sa House Committee on Justice, na tinawag itong “curated, spliced, at nakabatay sa haka-haka” imbes na sa aktwal na katotohanan.
Sa pahayag ni Atty. Paul Lawrence Lim, legal counsel ng Bise Presidente, sinabi niya na ang presentasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagdinig kahapon, April 29 ay nagpapakita umano ng kakulangan sa matibay na ebidensya kaugnay sa mga alegasyon laban kay Duterte.
Kabilang sa tinalakay sa pagdinig ang umano’y imbestigasyon sa mga banta laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Lim, ang ilang konklusyon ay hindi umano nakabatay sa direktang ebidensya kundi sa interpretasyon lamang, at binigyang-diin na hindi ito sapat na batayan para sa probable cause o conviction. | via Joana Luna, D8TV News
