Itinaas na sa “full alert” ang estado ng Philippine National Police mula sa dating heightened alert bilang bahagi ng paghahanda sa Labor Day activities sa May 1.
Ayon sa PNP, mahigit 106,000 police personnel ang naka-deploy sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang magsagawa ng seguridad at pagbabantay sa mga lugar na posibleng pagdausan ng mga rally at pagtitipon.
Sa kabila nito, nilinaw ng PNP na wala silang namo-monitor na anumang seryosong banta kaugnay ng selebrasyon ng Araw ng Paggawa, ngunit patuloy ang kanilang pagbabantay bilang pag-iingat.
Epektibo ang full alert status mula alas-dose uno ng madaling araw ng April 30 hanggang alas-dose uno ng madaling araw ng Mayo a-dos.
Samantala, patuloy pang bineberipika ng PNP kung may mga naaprubahang rally permits ang mga lokal na pamahalaan para sa mga grupong magsasagawa ng demonstrasyon. | via Allen Ibañez, D8TV Correspondent
