Pagasa, nagbabala sa posibleng pagdating ng El Niño

Nakaalerto ngayon ang PAGASA sa posibleng paglala ng El Niño sa bansa.

Ayon sa PAGASA, umakyat na sa 92% ang tsansa ng moderate hanggang strong El Niño sa huling bahagi ng 2026 hanggang unang bahagi ng 2027. Dahil dito, inaasahang mas magiging dry ang panahon sa maraming bahagi ng Pilipinas.

Nauna nang naglabas ang ahensya ng El Niño Watch noong Marso, kung saan 55% pa lamang ang posibilidad ng pag-develop nito. Inaasahan na ring maia-upgrade ito sa El Niño Alert ngayong Abril.

Sinabi ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando na posibleng magsimula ang pag-usbong ng El Niño sa pagitan ng Hulyo hanggang Setyembre.

Babala ng ahensya, karaniwang nagdudulot ang El Niño ng mas mababa sa normal na pag-ulan na maaaring makaapekto sa suplay ng tubig at agrikultura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *