Patuloy na sumisikat ang ube ng Pilipinas sa pandaigdigang merkado matapos umabot sa $3.06 million ang export ng ube at ube-based products noong 2025.
Ayon sa Department of Trade and Industry, dulot ito ng tumataas na demand sa authentic Asian flavors, natural food colorants, at iba’t ibang food applications sa ibang bansa.
Kabilang sa mga pangunahing export products ang ube powder, puree, halaya, at flavor extracts na ginagamit sa ice cream, baked goods, confectionery, at iba pang dessert products.
Lumilitaw din sa datos ng Mintel Global New Products Database na may 359 product launches sa buong mundo na gumagamit ng ube, kung saan nangunguna pa rin ang Pilipinas ngunit patuloy ang paglago nito sa international market.
Kabilang sa mga pangunahing merkado ang Middle East, United States, United Kingdom, at Italy, habang lumalakas din ang innovation sa Japan, China, at Estados Unidos.
