Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malaking rollback sa presyo ng langis na magsisimula bukas, April 14, na inaasahang magbibigay ginhawa sa mga Pilipino.
Sa kanyang video message, sinabi ng Pangulo na bababa ng ₱20.89 kada litro ang diesel, ₱4.43 naman sa gasolina, at ₱8.50 sa kerosene.
Ayon kay Marcos, malaking tulong ito sa mga drayber, commuter, at mga pamilyang apektado ng mataas na presyo ng krudo. Gayunpaman, aminado ang Pangulo na hindi pa ito sapat upang tuluyang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.
Binigyang-diin niya na magpapatuloy ang mga hakbang ng pamahalaan, kabilang ang fuel subsidies at iba pang suporta sa sektor ng transportasyon.
Dagdag pa niya, may mga karagdagang hakbang pang ipatutupad sa mga susunod na araw na layong pababain ang gastos sa transportasyon, pagkain, at pangkalahatang pamumuhay.
