Listahan ng PUJ drivers na may unclaimed cash assistance, inilabas

Naglabas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng listahan ng mga public utility jeepney drivers na may hindi pa nakukuhang cash assistance.

Kasama ng DSWD ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa panawagan sa mga benepisyaryo na tiyaking tugma ang kanilang mga personal na impormasyon, partikular ang pangalan sa ID at sa masterlist na gagamitin sa payout.

Ayon sa DSWD, ang listahan ay dumaan sa validation kasama ang mga jeepney drivers’ associations at LTFRB bago isinailalim sa final verification at de-duplication upang matiyak na ang mga kwalipikadong tsuper lamang ang makatatanggap ng ayuda.

Pinayuhan din ang mga PUJ drivers na may kailangang ayusin sa kanilang impormasyon na makipag-ugnayan sa LTFRB o sa kanilang lokal na pamahalaan upang mai-update ang kanilang records.

Tiniyak ng ahensya na layunin ng programa na maihatid ang tulong sa mga lehitimong benepisyaryo sa sektor ng transportasyon na patuloy na apektado ng mga hamon sa kabuhayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *