Magandang panahon ang dala ng easterlies sa halos buong bansa, pero may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Eastern Samar, ayon sa PAGASA. Posibleng magdulot ito ng flash floods at landslides sa ilang lugar.
Sa Batanes, mahinang ulan ang dala ng amihan. Sa iba pang bahagi ng bansa, asahan ang pana-panahong pag-ulan o pagkulog-pagkidlat, lalo na sa hapon o gabi. Mag-ingat sa matitinding bagyo na maaaring magdulot ng baha at pagguho ng lupa.
Sa hilaga at silangang Luzon, katamtaman hanggang malakas ang hangin at maalon ang dagat, kaya ingat sa paglalayag! Sa ibang bahagi ng bansa, banayad hanggang katamtaman lang ang alon.
Walang namataang bagyo o low-pressure area sa ngayon, pero manatiling alerto! | via Lorencris Siarez | Photo via eldiario.com
Easterlies, may dalang pag-ulan sa ilang mga lugar sa Pilipinas
