Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si trade diplomat Dita Angara-Mathay bilang bagong kalihim ng Department of Tourism o DOT, ayon sa Presidential Communications Office.
Ayon sa PCO, layunin ng administrasyon na mas palakasin ang turismo na magpapalakas sa trabaho, negosyo, at pag-unlad sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Si Angara-Mathay ang papalit kay dating DOT Secretary Christina Garcia Frasco, na naitalagang Presidential Adviser for Sustainable and Resilient Communities noong Marso.
Bago ang kanyang bagong tungkulin, nagsilbi si Angara-Mathay bilang Commercial Counselor sa Philippine Trade and Investment Center sa Tokyo, Japan, kung saan nakipag-ugnayan siya sa mga Japanese industries para sa mga investment at trade partnerships.
