VIRAL: Topless na lalaki, sinita ng sandamakmak na otoridad

Overkill nga ba ang naging pagresponde ng mga otoridad sa isang lalaking sinita dahil sa pagiging topless habang tila naghahalo lang ng semento?

Ito ngayon ang “talk of the town” mula sa isang viral video sa isang eskinita sa Mandaluyong City.

Umani ng batikos ang anila’y “overkill” na pagpe-presenta ng tiket ng mga otoridad sa Mandaluyong, kung saan makikita ang pagdating ng mahigit sampung men in uniform.

Sa gitna ng tindi ng init ng panahon, kinuwestiyon ng mga netizen ang tila “by the book” na operasyon at ang dami ng pulis na rumesponde para lamang sa isang simpleng violation.

Banat ng online netizens, sana ay magkaroon ng konsiderasyon at malasakit para sa mga ordinaryong mamamayang naghahanap-buhay.

Pinuna rin ng publiko ang pagpapatawag pa umano ng mga otoridad ng media, na para bang sasabak sa giyera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *