Rep. Arroyo, pinasinungalingan ang umano’y coup vs. Speaker Dy

Mariing pinabulaanan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang mga ulat hinggil sa umano’y tangkang pagpapatalsik kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Arroyo na wala itong katotohanan at iginiit ang kanyang buong kumpiyansa sa pamumuno ni Speaker Dy sa Kamara.

Binigyang-diin din niya na nananatiling matatag ang kanilang ugnayan at suporta sa isa’t isa, na nagsimula pa umano noong panahon ng ama ng Speaker, na si dating Isabela Governor Faustino Dy Sr.

Sa ngayon, wala pang malinaw na pinagmulan ang kumalat na balita ukol sa umano’y pagbabago sa liderato ng House of Representatives.

Matatandaang si Arroyo ay nagsilbi ring Speaker ng Kamara mula 2018 hanggang 2019 matapos ang isang leadership change laban kay dating Speaker Pantaleon Alvarez. | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *