Nahuli na si dating Pangulong Rodrigo Duterte! Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dumaan sa legal na proseso ang pag-aresto kay Duterte at may matibay na batayan ang warrant mula sa International Criminal Court (ICC).
Itinanggi ni Marcos na ilegal ang pagdakip, iginiit na sumunod lang ang gobyerno sa kahilingan ng Interpol. Aniya, walang kinalaman ang pulitika rito dahil sinimulan ang kaso noong 2017, panahon pa mismo ni Duterte.
Martes ng umaga, inaresto si Duterte pagdating sa NAIA mula Hong Kong. Matapos nito, agad siyang dinala sa Villamor Air Base bago isinakay sa isang pribadong eroplano patungong The Hague, Netherlands—kung saan nahaharap siya sa kasong crimes against humanity dahil sa madugong kampanya kontra droga. | via Allan Ortega | Photo via PNA
Sinunod ng gobyerno ng Pilipinas ang mga legal na proseso sa pag-aresto kay dating Pangulong PRRD – PBBM
