Pag-aaralan ng Malacañang kung paano makapag-lalaan ng pondo para sa posibleng cash aid assistance ng middle class earners.
Sa press briefing ng palasyo ngayong Biyernes, sinabi ni Palace Press Officer, Usec. Atty. Claire Castro na dapat mapag-aralang mabuti kung saan kukunin ang “supplemental budget” para sa nasabing ayuda, lalo na’t wala naman ito sa 2026 national budget.
Aniya, hindi ito tututulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lalo na kung para sa ikagiginhawa ng bawat Pilipino.
“Maganda po yan, pero nangngailangan po iyan ng supplemental budget so, tignan po natin, hindi po ito panget na bill, maganda po sya, pero syempre kinakailangan pong pag-aralan po ‘yan, kung saan din kukunin yung budget, kasi bago po ito, hindi po sya kasama sa 2026 GAA”, ani Castro.
Positibo naman ang pananaw ni Castro sa AHON Act, na inihain sa kamara, na sinasabing alternatibo para sa BAYANIHAN 3 Act, dahil magbigay ito ng direktang tulong sa mga manggagawa, middle class, at micro, small, and medium enterprises o MSMEs na lubhang naapektuhan ng krisis sa langis. | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent
