SC, hindi naglabas ng TRO para sa impeachment vs. VP Sara Duterte

Walang inilabas na temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa impeachment proceedings kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay matapos magsampa ng petisyon ang bise presidente na naglalayong pigilan ang House Committee on Justice sa pagtalakay ng mga reklamong impeachment laban sa kanya.

Sa halip na maglabas ng TRO, kinonsolidate ng Korte Suprema ang mga petisyon at inatasan ang House Justice Committee na magsumite ng kanilang komento sa loob ng 10 araw mula sa pagtanggap ng abiso.

Dahil dito, tuloy ang pagdinig ng impeachment complaints na nakatakda sa April 14, ayon kay Committee member Rep. Terry Ridon.

Matatandaang noong March 18, idineklara ng komite na may sapat na batayan ang mga reklamo, kaya kasalukuyan na nitong sinusuri ang mga ebidensya, testigo, at kaugnay na dokumento.

Sa ngayon, dalawang impeachment complaints na lamang ang tinatalakay, matapos maibasura ang una dahil sa one-year bar rule at umatras ang mga sponsor ng ikalawang reklamo.

Kabilang sa mga paratang laban sa bise presidente ang umano’y maling paggamit ng confidential funds, panunuhol, at culpable violation ng 1987 Constitution.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *