Naglabas na ng subpoena ang House Justice Committee laban kay Atty. Michael Poa kaugnay ng pagpapatuloy ng pagdinig sa mga impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Si Poa ay kabilang sa legal counsel ng bise presidente at pinasisipot ng Kamara dahil nagsilbi rin siyang Chief of Staff at kalihim ng Department of Education mula 2022 hanggang 2023.
Ayon sa komite, nais nilang linawin ang umanong naging papel ni Poa sa paghahanda ng accomplishment report kaugnay sa paggamit ng confidential funds noong panahon na pinamumunuan ni Duterte ang DepEd.
Inaasahang haharap si Poa sa pagdinig na nakatakda sa April 14.
Nauna nang sinabi ni Poa na handa siyang tumalima sa ipinalabas na kautusan ng komite. | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent
