Magpapatupad ng libreng sakay ang pamunuan ng Marikina City, na pangungunahan ni Mayor Maan Teodoro, upang tulungan ang mga commuter na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Sa pamamagitan ng planong pagpapatupad ng solar-powered na “Libreng Sakay”, isasagawa ang test drive at pag-aaral ng mga ruta upang matukoy ang pinakaangkop na biyahe.
Kabilang dito ang pagsusuri sa tamang ruta, oras ng byahe, dami ng pasahero, at turnaround time ng mga sasakyan.
Sinusuri rin ang kapasidad ng mga sasakyan, charging cycles, at performance nito tuwing rush hour upang matiyak ang maayos, episyente, at tuloy-tuloy na serbisyo para sa publiko.
Inaasahang ilalabas sa lalong madaling panahon ang kumpletong detalye ng ruta at iskedyul sa opisyal na page ng Marikina PIO. | via Judea Bernardo, D8TV News
