Maayos na panahon, asahan sa Araw ng Kagitingan —PAGASA

Inaasahan ang pangkalahatang maayos na panahon sa bansa ngayong Huwebes, regular holiday para sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, ayon sa PAGASA.

Sa 4 a.m. bulletin, sinabi ng PAGASA na ang ridge ng high-pressure area sa Northern at Central Luzon ang maghahatid ng partly cloudy hanggang cloudy na kalangitan, na may nakakalat na pag-ulan o isolated thunderstorms sa ilang lugar.

Samantala, minomonitor ng weather bureau ang isang tropical depression na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility, nasa 2,880 km silangan ng northeastern Mindanao. Taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph at bugsong 70 kph.

Sa oras na pumasok sa PAR, papangalanan itong Bagyong Caloy.

Ayon sa PAGASA, aabot sa 42°C ang heat index sa Cotabato City, Maguindanao, at Dumangas, Iloilo, habang sa Metro Manila ay aabot sa 37°C hanggang 38°C.

Pangunahing bahagi ng bansa, maayos ang panahon sa Araw ng Kagitingan; heat index aabot 42°C sa ilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *