Tiniyak ng Malacañang na hindi maaapektuhan ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos kaugnay ng desisyon ng Iran na payagan ang ligtas na pagdaan ng energy supplies ng bansa sa Strait of Hormuz.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, walang nakikitang isyu ang pamahalaan sa naturang kasunduan dahil nauunawaan ng US ang kasalukuyang sitwasyon ng global oil supply.
Sinabi rin na ang hakbang ay bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng langis sa bansa.
Nauna nang kinumpirma na nakakuha ang Pilipinas ng safe passage sa Strait of Hormuz, na mahalagang ruta ng pandaigdigang suplay ng langis at gas.
Gayunman, nilinaw ng Department of Energy na hindi agad nito mapapababa ang presyo ng langis sa bansa.
