Panibagong oil price hike, asahan

Inanunsiyo ng mga oil company ang panibagong malaking taas-presyo ng petrolyo, o ika-13 sunod na linggo ng pagtaas sa gasolina at ika-15 linggo naman para sa diesel at kerosene.

Ayon sa Shell Pilipinas, epektibo alas-6 ng umaga ng April 7 ang mga sumusunod na dagdag-presyo: ₱5.90 per liter sa gasolina, ₱19.80 sa diesel, at ₱9.10 sa kerosene.

Samantala, hindi pa naglalabas ng kani-kanilang anunsyo ang iba pang oil firms para sa linggong ito.

Patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis sa gitna ng lumalalang tensyon sa Middle East, partikular sa usapin ng Strait of Hormuz.

Nauna nang nagbanta si US President Donald Trump ng posibleng pag-atake sa Iran kung hindi bubuksan ang naturang shipping lane.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *