Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran sa Metro Manila sa ilalim ng “Safer Cities Initiative.”
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, layunin ng programa na pababain ang krimen sa mga urban area at gawing mas ligtas ang mga komunidad.
Kabilang sa mga ipatutupad na hakbang ang pagbabawal sa pag-inom ng alak at pagsusugal sa mga pampublikong lugar, curfew para sa mga menor de edad simula alas-10 ng gabi, at limitasyon sa videoke hanggang alas-10 ng gabi maliban sa mga pinahihintulutang okasyon.
Ipinagbabawal din ang paglabas ng walang damit pang-itaas sa mga pampublikong lugar.
Hihikayatin ng DILG ang mga lokal na pamahalaan na maglabas ng ordinansa para ipatupad ang mga ito.
Magkakaroon din ng presensya ng pulis sa mga paaralan, transport hubs, malls, at iba pang matataong lugar upang mapalakas ang seguridad.
