DSWD, umaksyon sa kaso ng batang humingi ng tulong kay PBBM

Umaksyon na ang Department of Social Welfare and Development sa kaso ng 11-anyos na batang humingi ng tulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng umano’y pang-aabuso sa Camarines Sur.

Ang bata ay nag-walk out sa kanyang graduation at sumulat sa Pangulo, kung saan ibinunyag ang umano’y panggagahasa sa kanyang kapatid at iba pang anyo ng pang-aabuso mula sa isang barangay kagawad at pamilya nito.

Nakipagpulong na ang DSWD sa bata, habang natunton na rin ang biktima na napag-alamang may special needs.

Agad itong binigyan ng tulong, kabilang ang pinansyal, psychological, at emotional support.

Tiniyak din ng ahensya na patuloy nilang aalalayan ang mga bata sa shelter upang mapanatili ang kanilang kaligtasan at kapakanan. | via Joana Luna, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *