57 pawikan hatchlings, nailigtas at pinakawalan sa Sarangani

Ligtas na naibalik sa karagatan ang 57 hatchlings ng Olive Ridley sea turtles sa bayan ng Kiamba, Sarangani Province.

Natagpuan ang newly hatched sea turtles ng ilang bata habang naglalaro sa dalampasigan, at agad nila itong ini-report sa mga tauhan ng PNP Maritime na nagsasagawa ng routine patrol sa lugar.

Agad namang siniguro ng mga awtoridad ang kaligtasan ng mga hatchlings laban sa posibleng panganib, kabilang ang mga asong gala.

Nakipag-ugnayan din ang PNP Maritime sa Protected Area Rangers at sa CENRO Kiamba upang masiguro ang maayos na pagbabalik ng mga pawikan sa kanilang natural habitat o tirahan.

Sa tulong ng komunidad at mga ahensya ng pamahalaan, matagumpay na napakawalan ang lahat ng hatchlings sa dagat.

Ayon sa mga eksperto, isa lamang sa bawat isang libong hatchlings ang inaasahang mabubuhay hanggang sa pagiging adult, kaya mahalaga ang patuloy na pangangalaga sa kanilang tirahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *