PH, makikipag-negosasyon sa Iran para sa oil supply

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Foreign Affairs na makipagnegosasyon sa Iran upang matiyak ang ligtas na pagdaan ng mga oil tanker na papunta sa Pilipinas.

Layunin ng hakbang na masigurong tuloy-tuloy ang suplay ng langis sa bansa sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East.

“Ayon po kay Sec. Tess Lazaro ng DFA, makikipag-usap po sya sa ambassador ng Iran, most probably po ay tomorrow, kung hindi man po magkakaroon ng schedule tomorrow, by next week po” ani Castro.

Matatandaang isinara ng Iran ang Strait of Hormuz, isang mahalagang daanan ng halos 20 percent ng suplay ng langis sa buong mundo.

Samantala, hinimok din ni Sen. Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na magsagawa ng high-level talks upang matiyak na makakadaan ang mga barkong may dalang langis para sa Pilipinas.

Una rito, pinayagan ng Iran ang ilang bansa tulad ng China, India, at Russia na makadaan sa naturang ruta, habang ang ibang bansa ay nakipagkasundo na rin upang matiyak ang kanilang oil supply.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *