Idineploy na ng Philippine National Police ang nasa 98,636 na personnel nito sa buong bansa para magbantay at umasiste sa mga pasahero ngayong Semana Santa 2026.
Mula sa naturang bilang may karagdagang 12,507 mula sa ibang units at 37,050 naman galing sa force multipliers.
Sinabi ni PNP Chief, Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., nagsimula kaninang 12:01 ng madaling araw ang pagtataas sa full alert status at magtatagal ito hanggang sa Abril a-singko.
Ilan sa mga babantayan ng pulisya ang mga pangunahing transport hubs, malls, simbahan at iba pang matataong lugar.
Bukod sa pagpapanatili ng peace and order, tutulong din sila sa paglilinis ng mga obstruction sa kalsada katuwang ang DPWH, DOTr at DILG.
Dagdag pa ni Nartatez, ang hakbang na ito ay malaking kaginhawaan para sa mga byahero para magtuloy tuloy ang byahe ng mga ito at maiwasan ang anumang aksidente na maaaring mangyare dahil sa mga obstruction sa kalsada. I via Allen Ibañez, D8TV Correspondent
