Main road zero obstruction, pagtutulungan ng 4 gov. agencies

Target ng pamahalaan ngayong summer vacation na walang maranasang aberya sa mga pangunahing kalsada ang mga byahero ngayong Semana Santa 2026.

Dahil dito, ipatutupad ng Department of Transportation, Department of Public Works and Highways, Philippine National Police at Department of the Interior and Local Government ang Zero obstruction sa mga kalsada.

Simula bukas, sisimulan ng DOTr, PNP, DPWH at DILG ang paglilinis ng mga kalsada para masiguro ang ligtas at mapayapa na byahe ng mga byahero.

Ani Sec. DOTr Sec. Giovanni Lopez, “Ang gagawin po natin for the next few days, tomorrow kasama ang DILG, PNP-HPG, LTFRB, yung mga nakikita natin usually na nakapark na mga sasakyan sa mga bangketa. Tatanggalin na po natin yan. Hindi po parkingan ang bangketa sa highway napaka delikado niyan. Katulong natin ang HPG, LTO at LTFRB.”

Isa sa mga inihalimbawa ni Lopez ang ginawa sa Maharlika Highway sa Laguna kung saan pinaalis ang mga sagabal sa daanan ng mga sasakyan.

Sinusugan naman ito ni DPWH Sec. Lopez at kanila namang ipatutupad ang walang one way sa mga daanan upang maiwasan ang mahabang pila ng sasakyan dahil sa saradong kalsada.

Bukod dito, ipinag utos din ni Lopez ang pagpapahinto at pagbabawal ng mga construction sa mga daanan hanggang Sabado de Gloria.

Sinabi naman ni DPWH Sec. Vince Dizon na “Lahat ng construction pinahinto natin ngayong Holy Week, SILG chief PNP ano. So kailangan yan tuloy tuloy mag-reresume na lang tayo ng construction sa week of April 6. So ngayon wala na construction as of weekend hanggang Eastern Sunday sa April 5. So yun lang tulong tulong tayo.”

Sa panig naman ng Pambansang Pulisya, sinabi ni PNP Chief, Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. na handa itong tumulong sa paglilinis ng mga obstruction sa mga lansangan kasunod ng pagbabantay sa seguridad ng mga pasahero at pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa kung saan naka full alert status na sila at nagpakalat ng 98, 636 na pnp personnel.

“Ito for public safety magcocoordinate tayo sa barangay lalong lalo na dito sa mga obstruction. So makikita niyo ultimo dito sa mga schools wala naman, ipinagbabawal na yung mga bakal na nakalagay doon sa kalsada kasi maraming nadidisgrasya diyan including yung mga magsasaka natin na nagbibilad ng mga palay or kung anuman ang binibilad sa highway kakausapin muna natin sila at sa ibang araw na sila magbilad doon and all of those obstructions on the road” ani Nartatez.

Siniguro naman ng 4 na ahensya na may sapat silang mga tauhan upang tumulong sa mga nangangailangan sa kanilang pagbyahe ngayong Semana Santa. | via Allen Ibañez, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *