Posibleng tumaas ang inflation rate sa bansa ngayong Marso sa pagitan ng 3.1 hanggang 3.9 percent, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Sinabi ng BSP na maaaring nagtulak sa pagtaas ng presyo ang mahal na produktong petrolyo, bigas, at kuryente, kasabay ng paghina ng piso.
Gayunman, nakatulong naman sa pagpigil ng pagtaas ang mas mababang presyo ng gulay, isda, at karne.
Noong Pebrero, umakyat na sa 2.4 percent ang inflation, at inaasahang magpapatuloy ang pagtaas nito sa mga susunod na buwan bunsod ng tensyon sa Middle East na nakaapekto sa presyo ng langis.
Ayon pa sa BSP, posibleng pumalo sa average na 5.1 percent ang inflation sa 2026 o lampas sa target ng gobyerno na 2 hanggang 4 porsyento. | via Joana Luna, D8TV News
