Mahigpit nang babantayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga grupo na may public solicitation permits gamit ang bagong digital platform nito.
Ayon sa DSWD, ang mga permit na ito ay iniisyu sa non-profit organizations at social welfare agencies (SWDAs) upang maprotektahan ang publiko laban sa mga scam. Kailangan ng malinaw na plano sa distribusyon ng donasyon, at matapos ang dalawang buwan, dapat magsumite ng ulat ang mga grupo.
Ginamit na ngayon ng ahensya ang Harmonized Electronic License and Permit System (HELPS) para sa mas episyenteng monitoring. Ayon kay Director Megan Therese Manahan, mahigpit ang DSWD sa pagsusuri ng mga ulat—kapag hindi sumunod, maaaring hindi ma-renew ang permit o ma-blacklist ang grupo.
Alinsunod sa Presidential Decree No. 1564, tanging ang DSWD ang may kapangyarihan sa regulasyon ng solicitation permits upang maiwasan ang mga mapanlinlang na fundraising activities. | via Lorencris Siarez | Photo via Gov
Mahigpit na babantayan ng DSWD ang mga public solicitation permit
