Chinese Vessels sa WPS, umabot sa 90 ngayong Marso – AFP

Patuloy ang pagmomonitor ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa mga barkong dumadaan at nananalagi sa katubigang sakop ng Pilipinas.

Sa kanilang tala nitong Marso, umakyat sa 90 ng mga barko ng China ang namataan sa iba’t ibang features ng WPS mula sa 62 nitong Pebrero.

Ayon sa AFP, kabilang rito ang mga barko ng People’s Liberation Army Navy at Chinese Coast Guard.

Pinaka marami ang namataan sa Bajo de Masinloc na umabot sa 49, sinundan ng 15 sa Pag asa island, 14 sa Ayungin Shoal at 12 sa Escoda Shoal.

Sa kabuuan mayroong 22,755 vessels ang namataan sa loob ng Philippine Maritime Zones, kung saan 19,328 dito ang foreign, flagged vessels at 3,428 ang domestic. | via Allen Ibañez, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *