Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang bagong bukas na segment ng Central Luzon Link Expressway o CLLEX ay libre sa toll hanggang Disyembre.
Pinangunahan ng Presidente ang pagbubukas ng 4 kilometer expressway sa Cabanatuan City, na bahagi ng east-west Luzon corridor, na nag-uugnay sa Tarlac at Nueva Ecija.
Ayon kay Marcos, makakatulong ang toll-free period sa pagpapababa ng gastos sa pagbiyahe at sa mas mabilis na transportasyon ng mga produkto, kabilang ang palay mula sa Nueva Ecija.
“Para mas maging mabilis ang daloy ng traffic, at malaking bagay ito dahil ang dating byahe na tumatagal ng isang oras at kalahati, 1 hour fifteen, 1 hour thirty minutes ay magiging 20 minutes na lang… malaking bagay ito” ani Marcos.
Ang bagong segment ng CLLEX sa Contract Package 4, mula Aliaga hanggang Cabanatuan, ay inaasahang makatatanggap ng humigit-kumulang 11,000 sasakyan kada araw, kapwa para sa mga pribadong motorista at mga commercial transporters. | via Joana Luna, D8TV News
