Bahagyang tumaas ang suplay ng langis sa bansa sa average na 50.94 days o halos 51 days as of March 27, 2026, ayon sa Department of Energy o DOE.
Mas mataas ito kumpara sa naunang 45 days na suplay na iniulat ng ahensya.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, ipinag utos ng administrasyong Marcos Jr. ang humigit-kumulang isang milyong bariles o mahigit 165 million liters ng diesel mula sa iba’t ibang bansa.
Sa nasabing volume, sinabi ng DOE na dumating na sa bansa ang unang shipment mula Japan na may lamang 22.6 million liters noong nakaraang linggo.
Inaasahan naman ang mga susunod pang delivery ngayong Abril, kabilang ang 300,000 bariles o 47.7 million liter mula Malaysia at Singapore sa unang bahagi ng buwan.
May darating ding kaparehong volume mula North Asia o India sa kalagitnaan ng Abril, at mula Oman via Singapore bago matapos ang buwan.
Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, napapalitan at nadaragdagan pa ang suplay ng langis sa bansa.
Dagdag pa ng ahensya, sapat ang kasalukuyang imbentaryo upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng produktong petrolyo sa gitna ng umiiral na tensyon sa Middle East. | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent
