Nagbabala si US President Donald Trump na sisirain ng Amerika ang pangunahing oil export hub ng Iran sa Kharg Island, pati na ang power at desalination plants, kung hindi papasok sa kasunduan ang Tehran.
Ayon kay Trump, kabilang sa deal ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz, na ruta ng global oil supply.
Tinutulan ng Iran ang pahayag, kasabay ng pagsasabing hindi totoo ang mga negosasyon, at pagbabantang mananagot ang sinumang a-atake sa sa kanilang pasilidad.
Ilang eksperto rin ang naghayag na ang pag-atake sa mga civilian infrastructure ay labag sa international humanitarian law at maaaring ituring na war crime. | via Joana Luna, D8TV News
