Pagpapataw ng transit fee sa Strait of Hormuz sa gitna ng tensyon sa Middle East, plano ng Iran

Iniulat ng state media ng Iran na inaprubahan ng isang parliamentary commission ang plano na magpataw ng toll fee sa mga barkong dadaan sa Strait of Hormuz, na kilalang mahalagang ruta ng oil at gas shipments sa mundo.

Batay sa ulat ng state TV, kabilang sa panukala ang pagbuo ng “financial arrangements” at sistema ng paniningil gamit ang rial, pati na rin ang pagpapatupad ng sovereign powers ng Iran, sa pakikipagtulungan umano sa Oman.

Kasama rin sa plano ang pagbabawal sa mga barkong mula Amerika at Israel na dumaan sa nasabing ruta, pati ang pagtutol sa mga bansang nagpapatupad ng sanctions laban sa Iran.

Ang Strait of Hormuz ay dinadaanan ng tinatayang isang-kalimang bahagi ng global supply ng crude oil at liquefied natural gas sa panahon ng kapayapaan.

Ngunit mula nang sumiklab ang digmaan sa Middle East, bumagsak ng halos 95% ang mga dumaraang barko, ayon sa maritime intelligence firm na Kpler.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *