Bus companies, inireklamo sa unauthorized fare increase

Walong bus companies ang inireklamo ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa LTFRB, matapos mapag-alamang nagsagawa ang mga ito ng unauthorized fare increase dahil sa tumataas na presyo ng langis.

Ayon kay PITX Communications Chief Atty. Jayson Salvador, malinaw ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatigil ang anumang taas-pasahe upang hindi maapektuhan ang mga biyahero.

Bukod sa fare hikes, tiniyak din ng PITX ang pagbabantay sa tinatawag na Triple “S” o Safety, Security, at Supply para sa kapakanan ng mga pasahero.

Samantala, sa pinagsanib na operasyon ng PITX, LTO, PDEA, DOTr, at Philippine Coast Guard, sumailalim sa drug screening ang mahigit 200 bus drivers at konduktor.

Tatlong driver ang nagpositibo at pansamantalang hindi pinayagang bumiyahe.

Ayon sa LTO, sasailalim pa ang mga ito sa confirmatory test bago tuluyang sampahan ng kaukulang kaso at administrative sanctions.

Nanawagan naman ang PITX sa mga pasahero na iwasan ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na gamit tulad ng matatalim na bagay at mga flammable items.

Paalala rin ng pamunuan, kung hindi maiiwasan ang pagbyahe ngayong Semana Santa, siguraduhing maging maingat, handa, at may mahabang pasensya. | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *