Nanawagan si Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa mga Pilipino na gawing panahon ng pagninilay, at pagbabago para sa pamilya at bansa ang Mahal na Araw.
Ayon kay Dy, dumarating ang Semana Santa sa panahong marami pa ring Pilipino ang humaharap sa iba’t ibang pagsubok, kaya mas nagiging mahalaga ang mensahe ng sakripisyo, pagpapatawad, at pag-asa.
Sa isang video message, binigyang-diin ni Speaker Dy na higit pa sa tradisyon ang Semana Santa, dahil nagsisilbi itong moral guidance na nagpapaalala ng pagkakaisa at katatagan ng mga Pilipino.
Umaasa naman ang Liderato ng Kamara na magiging inspirasyon ang diwa ng Mahal na Araw upang mapatibay ang pagkakaisa at pananagutan ng lahat sa pagbuo ng mas matatag na bansa. | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent
