PCSO, magde-deploy ng ‘mini RORO’ sa Batanes

Magkakaloob ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng isang landing craft vessel (LCV) sa Batanes upang mapabilis ang transportasyon ng mga pasyente sa pagitan ng mga isla.

Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, ang LCV ay maituturing na isang “mini RORO” kung saan maaaring isakay nang direkta ang ambulansya.

Sa ganitong paraan, hindi na kailangang ilipat-lipat ang pasyente at maaari silang madala direkta mula pinanggalingan hanggang ospital, lalo na sa panahon ng emergency.

Layunin ng proyekto na tugunan ang hamon sa access sa serbisyong pangkalusugan sa mga malalayong lugar, tulad ng mga isla ng Basco at Sabtang.

Inaasahang maide-deploy ang naturang sasakyang pandagat ngayong taon bilang bahagi ng mas pinalawak na programa ng PCSO para sa mga geographically isolated areas. via Joana Luna, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *