Pinakamababang index crime sa NCR, naitala sa Taguig City

Patuloy ang pagbaba ng crime rate sa Metro Manila batay na rin sa inilabas na datos ng Metro Manila Council at Regional Development Council.

Nanguna rito ang Taguig City kung saan umabot lamang sa 30 kaso ng index crime ang naitala sa first quarter ng taon magmula January 1 hanggang March 24, 2026.

Mas mababa ito kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong 2025 na may 92 na kaso.

Ayon kay Taguig City Police Chief, Col. Julius Añonuevo, resulta ito ng pinagtibay na koordinasyon, pagpapaigting ng police visibility at kampanya laban sa loose firearms sa lungsod.

Dagdag pa ng opsiyal, pinaigting din nila ang kanilang kampanya sa iligal na droga, sugal, maging ang paghahanap sa mga wanted na tao sa lugar.

Malaking bagay rin ang mahigpit na ugnayan sa pagitan ng pulisya at ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano.

Dahil dito, mas napapalakas ng otoridad ang mga hakbangin nito laban sa kriminalidad para mapanatiling ligtas at payapa ang bawat komunidad sa Taguig City. I via Allen Ibañez, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *