Taguig, may pinakamababang kaso ng stunting sa NCR

Naglabas ng datos ang National Nutrition Council kung sino sa mga lungsod sa Metro Manila ang may pinakamababang kaso ng stunting sa Metro Manila.

Sa kanilang tala, lumabas na nanguna ang Lungsod ng Taguig sa may pinakamababang kaso ng stunting sa mga batang edad 0 hanggang 5.

Kung saan, nasa 0.20% lamang ang stunting rate ng Taguig na mas mababa sa 7.82% national average batay sa Operation Timbang Plus.

Sa loob ng limang taon panunungkulan ni Mayor Lani Cayetano, lumalabas na mula 9.69% noong 2015, bumaba ang stunting rate nito sa 0.35% noong 2019 o katumbas ng 97% na pagbaba.

Ipinapakita nito na ang matagal nang ipinatutupad na community-based programs na nakatuon sa pagbuti ng kalagayan ng nutrisyon sa mga bata, mula sa pagbubuntis hanggang sa unang taon ng bata, kasama na rito ang supplementation at regular monitoring sa mga barangay.

Dahil dito, nakatanggap ang lungsod ng iba’t-ibang parangal tulad ng Nutrition Honor Award, CROWN Awards, at Green Banner Awards para sa kahusayan sa nutrition programs.

Patuloy ang pagpapalakas ng Lungsod ng Taguig sa mga programa nitonpara mapanatiling malusog ang mga bata sa kanilang murang edad. | via Allen Ibañez, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *