Naghahanap ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng paraan para mapababa ng P5 bilyon ang gastos sa libreng internet sa bansa. Ayon kay DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy, kasalukuyan silang nakikipag-usap sa mas murang internet providers para sa pangmatagalang kontrata.
Sa kasalukuyan, gumagastos ang gobyerno ng P6.5 bilyon taun-taon para sa libreng Wi-Fi sa mahigit 7,000 lokasyon. Ngunit kung papasok sa 10-taong kontrata, mas makakatipid. Halimbawa, may satellite internet provider na nag-alok ng 200 Mbps para sa 10,000 paaralan sa halagang P1.5 bilyon kada taon—malaking tipid na P5 bilyon!
Makikinabang dito ang 9.8 milyong Pilipino sa 1,401 lungsod at bayan, lalo na sa mga liblib na lugar. Kasabay nito, inatasan din ni Pangulong Marcos ang DICT na gumamit ng P5 bilyon para sa pagpapalawak ng cell site towers sa pamamagitan ng subsidiya para sa telcos at tower providers. Mas mabilis, mas murang internet abangan!| via Allan Ortega | Photo via bworldonline.com
Nais ng gobyernong bawasan ang gastos ng free Wi-Fi program ng P5 bilyon
