Itinuturing nang case solved ng Taguig City Police ang kaso sa panghoholdup at pagpatay sa isang TNVS driver sa Bgy. Calzada-Tipas, Taguig City nitong Marso 11, 2026.
Ayon kay Taguig City Police Office Chief, Col. Julius Añonuevo, naaresto ang 2 sa isinagawang hot pursuit operations matapos i-report sa pulisya ang nangyareng insidente.
Habang isinuko naman sa otoridad ng kanyang mga magulang ang menor de edad nilang anak na nakakakilala doon sa isa pang suspek na sumaksak sa biktima.
Saad ng opisyal, nag book ang pinaghahanap na suspek na siyang mastermind ng isang motor riding hub kung saan pakay nito na tangayin ang gamit nitong motorsiklo.
Pagdating ng biktima sa lugar, nakaabang ang isa pang kasabwat ng pasaherong suspek, at sinaksak ang biktima.
Kinasuhan na ang mga suspek ng kasong robbery with homicide at nasa custodial facility na ng Camp Bagong Diwa sa Taguig, City.
Habang ang menor de edad naman ay nananalagi sa pangangalaga ng DSWD. I via Allen Ibañez, D8TV Correspondent
