PBBM, inaprubahan ang 3-term school calendar simula SY 2026–2027

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapatupad ng three-term school calendar sa mga pampublikong paaralan simula School Year 2026–2027.

Papalitan nito ang kasalukuyang apat na grading periods mula elementarya hanggang senior high school, batay sa rekomendasyon ng Economic Development Council.

Ayon sa Presidential Communications Office, layunin ng pagbabago na mapabuti ang learning continuity at maiwasan ang lesson fragmentation dulot ng class suspensions at iba pang aberya.

Sa bagong sistema, magkakaroon ng 54, 55, at 61 instructional days ang bawat term, na may nakatalagang assessment periods. Inaasahang makatutulong ito upang maging mas tuloy-tuloy ang pagkatuto ng mga estudyante.

Inatasan din ng Pangulo ang Department of Education na tiyaking handa ang mga paaralan sa implementasyon at mapanatili ang 180 araw na contact time sa pagitan ng guro at estudyante. | via D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *