12 ventilators, Inihatid ng PCSO, sa limang ospital sa Bohol

Pinalakas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang serbisyong pangkalusugan sa Bohol matapos mag-turnover ng 12 mechanical ventilators sa limang government hospitals sa probinsya.

Sa ilalim ng Medical Equipment Donation Program (MEDP), ipinamahagi ang mga ventilator sa Garcia Memorial Provincial Hospital sa Talibon na 6 units; Teodoro Galagar District Hospital sa Jagna na may 3 units, at tig-iisang unit sa Cong. Simeon Toribio Memorial Hospital sa Carmen, Catigbian District Hospital, at Francisco Dagohoy Memorial Hospital sa Inabanga.

Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, layunin ng donasyon na mailapit ang dekalidad na serbisyong medikal sa mga komunidad, lalo na sa mga probinsya.

Aniya, bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa mamamayan.

Malugod namang tinanggap ni Bohol Governor Aris Aumentado, ang donasyon at sinabing malaking tulong ito sa kahandaan ng mga ospital, lalo na sa pagtugon sa emergency at mga posibleng health crises.

Ang mga ibinigay na ventilators ay mga portable unit na maaaring gamitin para sa neonatal, pediatric, at adult patients, at may kakayahang tumugon sa iba’t-ibang critical care situations.

Bukod dito, nag-turnover din ang PCSO ng tsekeng nagkakahalaga ng ₱277,940.92 bilang bahagi ng lotto shares ng probinsya mula Hulyo hanggang Disyembre 2025.

Ayon sa PCSO, patunay ito ng patuloy nilang pagsuporta sa public health at lokal na pag-unlad sa pamamagitan ng paggamit ng kita mula sa gaming operations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *