VP Sara Duterte, nagbigay ng mensahe sa Eid al-Fitr 2026

Nagpaabot ng pagbati si Vice President Sara Duterte sa Muslim community sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr ngayong March 20, 2026.

Sa kanyang mensahe, kinilala ng Bise Presidente ang sakripisyo, disiplina, at pananampalataya ng mga Muslim matapos ang banal na buwan ng Ramadan.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan para sa kapayapaan hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo.

Pinuri rin ni Inday Sara ang sipag at katatagan ng mga Pilipino, lalo na ang mga empleyado sa iba’t ibang panig ng mundo.

“To my fellow Filipinos, your resilience and hard work continue to be a source of pride for our nation. May the spirit of Eid bring you comfort and remind you that your contributions to your  families and our country are deeply valued. As we celebrate this time of joy and thanksgiving, we also offer a fervent prayer for peace across the world” ani VP Sara. | via Joana Luna, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *