Pinayuhan ni US President Donald Trump ang Israel na huwag na ulitin ang pag-atake sa mga natural gas infrastructure ng Iran, matapos tumaas ang energy prices dahil sa sunud-sunod na pag-atake.
Mula Pebrero 28, patuloy ang giyera sa pagitan ng US-Israel at Iran matapos mabigo ang usapan tungkol sa nuclear program ng Tehran.
Ayon kay Trump, naipabatid na niya kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang payo at tiniyak ng Israeli leader na tatanggapin nila ito.
Samantala, patuloy ang mga missile strike ng Iran at pag-atake ng Israel sa mga target, sa kanluran at gitnang Iran.
Iniulat din ng United Arab Emirates authorities ang pagbuwag sa isang “terrorist network” na pinondohan ng Hezbollah at Iran. | via Joana Luna, D8TV News
