PBBM, nakipagpulong sa PM ng Bhutan sa kauna-unahang leader-level meeting

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Tshering Tobgay, Prime Minister ng Bhutan, sa Malacañang, kahapon March 19 sa isang makasaysayang courtesy call.

Ito ang kauna-unahang pagbisita ng lider ng Bhutan sa Pilipinas mula nang maitatag ang diplomatic relations ng dalawang bansa noong October 6, 2025, at kauna-unahang leader-level engagement sa pagitan nila.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), tinalakay ng dalawang lider ang pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Bhutan, kabilang ang representation ng non-resident ambassadors upang higit pang mapalalim ang relasyon.

Ipinahayag din ni Marcos ang kasiyahan sa patuloy na kooperasyon sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), lalo na sa skillspco training at upskilling ng mga manggagawa.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng pagbuo ng bagong partnerships matapos ang pandemya, hindi lamang sa turismo at kultura, kundi pati sa people-to-people exchanges, kalakalan, at pamumuhunan.

Nasa bansa si Tobgay upang dumalo sa Asia Pacific Food Systems Forum ng Asian Development Bank.

Sa larangan ng kalakalan, kabilang sa mga ineexport ng Pilipinas sa Bhutan ang electronic products, makinarya, transport equipment, woodcrafts, at furniture, wine, fresh grapes, at virgin olive oil naman ang ilan sa inaangkat mula sa Bhutan.

Sa turismo, umabot sa 380 ang tourist arrivals mula Bhutan noong 2024, habang 335 Bhutanese tourists ang naitala hanggang November ng nakaraang taon.

Samantala, may mga Pilipino rin sa Bhutan na nagtatrabaho bilang hotel managers, ayon sa PCO. | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *