Para maibsan ang perwisyo sa mga komyuter ng krisis sa langis, kalahati lamang ang sisingilin sa pasahe sa MRT-3 at LRT-2 mula Lunes, March 23. Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na magbigay ng diskwento sa pampublikong transportasyon. Ipapatupad ng Department of Transportation o dotr ang 50% discount para sa lahat ng pasahero ng MRT-3 at LRT-2 simula sa Lunes, bunsod pa rin ito sa epekto ng tensyon sa Middle East lalo na sa presyo ng langis.
Sinabi naman ni Secretary Banoy Lopez na layon ng diskwento na makatipid ang mga mananakay ng tren. Sisiguraduhin din daw nilang tuloy-tuloy lang ang maayos na pagtakbo ng mga ito. Paglilinaw ng DOTR, epektibo pa rin ang 50% discount para sa white beep cards ng senior citizens, persons with disabilities (pwd), at mga estudyante.Â
Samantala, para sa mga regular na pasahero, magagamit din ang blue beep cards para sa automatic na 50% discount. Para naman sa mga walang beep cards, pwedeng bumili ng single journey tickets na naka-50% discount din.
Nakikipag-usap na rin daw ang DOTR sa LRT-1 management kaugnay ng pagbibigay ng parehong discounted na pamasahe sa kanilang train line. Ang LRT-1 ay pinatatakbo ng pribadong kumpanyang Light Rail Manila Corporation.
End
