Pyroclastic flows, naitala sa bulkang Mayon

Nagbuga ng serye ng pyroclastic density currents o “uson” ang Mayon Volcano kaninang umaga, ayon sa DOST-PHIVOLCS.

Batay sa time-lapse video mula sa Mayon Volcano Observatory at mga larawan ng Quick Response Team, naitala ang mga uson sa Miisi Gully mula alas-10:21 hanggang alas-10:37 ng umaga.

Nagresulta ng ashfall sa mga komunidad sa timog-kanlurang bahagi ng bulkan.

Dahil dito, nananatiling umiiral ang Alert Level 3 sa Mayon, na nangangahulugang may mataas na antas ng pag-aalburuto.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-km Permanent Danger Zone (PDZ) upang maiwasan ang panganib dulot ng biglaang pagdaloy ng pyroclastic materials at pag-ulan ng abo.

Pinapayuhan ang mga residente sa apektadong lugar na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan at mga awtoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *